Huh. Biglang basa?

     So, napagtripan kong magbasa ng Bleach ulet. Almost 70 chapters behind na pala ako. Haha. Ano ba nanyayare sakin? Sige, teka lang. Bleach mode muna. :)))

     GTFO.

short postpersonal

(Source: seilalove)

Beware: Mga batang naghahalikan sa Starmall. O.O

     Grabe. Gu.ra.be. Hahaha!

     Kasi pumunta kami sa Starmall kanina. Actually, first time ko ngang libutin yun kasi dun palang ako nakakapunta sa Puregold. Ang intensyon talaga namin dun, kumain lang. Tapos. Haha, pero may mas malala ata yung ma-experience namin dun e.

     Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa parking, na-turn off na agad ako kasi puro gangster yung nakita ko. Grabe, parang Underground Railroad yung mall sa sobrang dami ng mga lecheng jeje. Err. Parang araw-araw na sila nandun! Anu yun, wala silang mga bahay? Tsss. Tapos mukha pang mababaho tapos kung makatingin samin ni Ate Shei (Wheee. Hahaha.) parang ngayon lang nakakita ng babae. Tsk. Grabe talaga.

     Edi pumasok na kami. Nung umakyat na kami dun sa second floor, sa may entrance nung Puregold, biglang sumigaw si Ate Shei…OY YUNG MGA BATA! TIGNAN NIYO NAGKIKISS! AYYY!

    

     Forgive the 1D gif. Haha. Pero anyway! Grabe talaga! As in, may mga supporters pa silang nakapaligid AT feel na feel talaga nila! Siguro mga 7 years old lang yung mga batang yun! Pero di ko agad na-realize na may salamin pala sa pagitan ng mga adik na labi ng mga adik na batang yun. Grabe. Gangster kids. WHAHAHA. ANg epic, kasi nagulat talaga ako. Akala ko, nagmamake-out talaga sila sa lapag ng StarMall. :P

     Fast-forward. Matapos ang lahat ng activities, pumunta kami sa Puregold para bumili ng Magnum at kung anu-ano pa. Tapos itong si Ate, biglang may na-notice. Yng kanta ng Puregold. Edi pinakinggan ko din…

    “Dito sa Puregold, ang tindahan ni Aling Puring!…”

    BWAHAHA!Kaya pala PUREGOLD, kasi si Aling Puring yung may-ari! O kaya Aling Puring, kasi Puregold…um. Basta! Yun na yun! Hahaha! Grabe, ang epic. Ang sagwa ng song. Todo Birit e. Natawa na lang ako. EPIC. xD

     Tapos ito pa pala. Ang pangalan kasi ng nanay ko, MARIVIE. Tapos, nung kumakain na kami sa ChicBoy (na nakaka-cholesterol, maririnig mo palang yung pangalan), may nakatabi kami ng table na lalaki. Astig pa ng suot e, naka-VARSITY JACKET AND SHORTS COMBO pa. Tapos nung pagkatalikod niya, HALA. Biglang nakalagay sa likod ng Jersey niya: MARIVIE. BOOOOM. HAHAHA! What a coincidence! May fans club na pala ang nanay ko Tapos bigla pang bumanat si Mama. Sabi niya, “Akin dapat yun a!” HAHAHA. xD

    Wala lungs. Share. Hahaha. :)))

     Cge. GTFO muna. Aayusin ko lang yung mga gamit ko. Nakaka-excite eh. Yun naman talaga yung antics ko simula nung bata pa ko. :)))

     P.S. Hayy. Grabe, ang hirap mag-aral ng Math. Para to sa UST. HAHAHA. :)))

personal

(Source: renielguiao)

(Source: wiccanreader)

Kaibigan? Talagaaa?

     Teka lang. Maikiling post lang to. 

    May naiisip kasi ako, mga last month pa. May mga taong may aura na kailangang i-please mo. Yung parang, dapat approved siya sa gagawin mo? Tsk. May kilala akong ganun dati, pero hindi na ko ganun sa kanya ngayon. Pero yung isa kong kaibigan, suck-up talaga sa kanya. Kahit na rotten yung ugali niya. Naiinis talaga ako, kasi feeling ko nawawalan ako ng kaibigan dahil sa kanya. Para pa silang nagkakampihan. Hmmm.

     Hindi ako nagdadamot ng kaibigan. Pero sana, makuntento ko kung anong meron ka. Lecheeee. T_T

     Okay! Tapos na ang rambles ko! Masaya na ulet ako! Hahaha, bipolar e. :)))

     K. Fine. GTFOOOOO. :)))

personalshort post

Mas mahal ko na ang Tumblr sa Facebook.

     May na-realize ako nung pumunta ako sa bahay nila Thea/Thara nung isang araw: mas sinusubaybayan na yung Tumblr ko, kaysa sa FB ko. In other words, mas active ako sa Tumblr ngayon.

     Kulang na lang, mamatay na yung Facebook ko sa sobrang ka-inactiveness e. Pa-post post lang ako ng mga walang kwentang status, nagpapalit ako ng cover photo…yun lang. Di na nga ako nakikipag-chat except kung may makikipag-chat sakin e. And usually, wala. Nakakatampo. :(((. HAHA. De joke. Drama Queen. xD

    

     Pero sa Tumblr talaga…super active. Haha. You tell me, kayo laging nakakakita ng mga entry ko dito. Araw-araw ngang meron e. Haha. Wala lang, parang ang sayang may pagsabihan ng mga saga ng buhay mo? Tapos at least dito, may pakielam yung mga followers/following ko. Mababaet. Di kagaya sa Facebook, na na-overrun na ata ng dumb whores. Tapos grabe, adik na adik na ko sa theme editing. Ang saya kaya, kahit nakakahilo at nakakabanas. And yung mga picture pa, yung blog ni ShutYourFace at Beben Eleben. Haha. Sarap lang tignan. :)

     At syempre, ansarap sa feeling sa updated ka sa mga recent kalokohan ng mga friends mo. :)))

     Cgeee. GTFO munaaa. :)))

personalshort post
annoyinggrammar nazi

Food for thought: Mga pangalang What-da.

     Unang-una sa lahat, pasintabi po sa mga taong may pangalan na ganito. Wala po akong gustong masaktan/mainis/magalit/mamatay sa mga sasabihin ko dito sa blog ko. Haha. So, para wala lag to kaya wala po sanang magagalit.

      Kasi nung isang araw, may na-realize ako. Andami palang pangalang panget na andaming tao ang may pangalan. I mean, grabe naman yung mga magulang niyo. Matino bang ipangalan kayo sa aso? Hayyy. Di pala panget yung pangalan, nakakainis pala. Yung tipong nakakabasag ng tenga? Sows. So ito yun, nag-include ako ng list para…wala lang. Kung parehas tayo ng naiisip, edi VOILA! xD

     Paalala: Di nga pala yung mga tipong “Judy Bagongahasa” o kaya, “Anthony Baktol” yung mga sinsabi ko dito a. To the next level na yun e.

    

     5.Dick

-Oha? Haha. Hindi yan dahil sa obvious reason. Kasi naman e, ang awkward kaya ng sound! Parang “Eto nga pala ang pinagmamalaki ko, si DICK.” o kaya, pag may girlfriend siya sasabihin, “Ay! Ang gwapo naman ng DICK ko.” Ohaaa. Susmaryosep, napaka-DISTURBING. MIndfvcked. XD

     4.Generoso

- Hindi to revenge sa nakaaway kong ang pangalan ay Generoso. Pero talaga a, ang awkward! Ang iisipin tuloy ng mga tao, pinangalan ka sa brandy. Kasama na nga pala jan yung mga kapatid mong sina Esperanza, Esmeralda, Rodolpho at Bokbok. Sensye na a? Di lang talaga ako mahilig sa oldies. Parang ang tanda-tanda niyo na. xD

     3.Douglas

-Grabe! Hahaha. Ang dating kasi sakin ng pangalan na yan, yung mga stereotypical na kontrabida ng Channel 7 na madaming tangang alagad, mayaman, madaming baril at may tattoo ng aso sa balikat. Yung tipong mga matandang dating macho kaya lang biglang tanda? Wooah. Ang panget lang talaga ng dating sakin. Baka nga kapag may nakasagupa akong ang pangalan ay Douglas, aakalain kong taga-Mafia yun.

     2.Bruno

-Parang nagkamali ata yung mga magulang kawawang si Bruno: pinangalan siya sa Beagle. HAHA. Grabe lang talaga. Ang John ay pangalang tao, at ang Brownie at pangalang aso. So ang Bruno, pangalang aso din yan. Di bagay sa tao. Nagmumukhang aso tuloy yung tao, kawawa naman. Kulang na lang, ipa-neuter niyo tapos bigyan niyo ng isang bowl ng pedigree e. xD

     1.Brutus

- Pinaka-hate ko talaga tong pangalan na to! Parang pang-holdaper? Hahaha. Basta, ang panget sa tenga! Ikakahiya ko talaga kapag may kamag-anak akong Brutus. Haha, de joke. Bukod sa pang-aso siya, ang awkward pang sabihin. Brutus. Brutus. Brutus. Bru——fvckkkk! Ayoko na! ERRR. What da????

     Hahaha. Basta, yan na yun. Ang disturbing kasi e. So mga may pangalang ganito, NO OFFENSE PO. Blog lang to. :)))

     GTFO muna. Magboblog muna ng personal.